Namamasko Po

Parokya Ni Edgar

Namamasko po!


Pagpasensyahan nyo na kung kami'y nanggugulo
Ganyan lang talaga tuwing kami'y namamasko
Walang pakialam kung saan mapadaan
Basta't mayroon mga mapagkakakitaan


Mayroon bitbit na gitara para sa aming pagkanta
Mayroong dalang tubo baka may manghabol na aso
Tanggap naman namin na kami ay sintunado
Pero naman lolo please lang 'wag kang mangbabato


Paminsan-minsan lang naman ang trip na 'to
Paminsan-minsan lang naman din ang Pasko
Hindi na dapat pinag-iisipan pa
Lahat tayo ay dapat magsaya


Hapon palang nagkakaroling na kami
Tinatanggap namin maging dyis man o bente
'Di na kailangan pang mahusay ang pagkakanta
Basta't sabay sabay kami at sama sama


Magkano na kaya ang aming naipon
Ayos lang kahit magkano basta't may pang-inom
Ilang bahay na lang mayroon nang pampulutan
Tapos sa bahay ko kami mag-iinuman


Paminsan-minsan lang naman ang trip na 'to
Paminsan-minsan lang naman din ang Pasko
Hindi na dapat pinag-iisipan pa
Lahat tayo ay dapat magsaya


'Di na yata magsasawa
Sa'ming pagsasama-sama
At sa aming pagkanta
Asahan na maraming kita
At kami ay sigurado
Na panandalian lamang 'to
Alam naman namin na hindi nga araw araw ang Pasko

Composição: Colaboração e revisão: Murillo Vellasco

Cifra Club Academy

O ensino de música que cabe no seu tempo e no seu bolso!

Quero conhecer os cursos
Cifra Club Pro

Entre para o
Cifra Club PRO

Tenha acesso a benefícios exclusivos no App e no Site

  • Chega de anúncios

  • Mais recursos no app do afinador

  • Desconto em nossos produtos

  • Entre outras vantagens...