Divine

Dasu

tawagin mo ako sa pangalan ko
hindi ko makakalimutan ang sinabi mo
inukit mo ang mata ko sa kandilang dugo
ano ang aking mapaglilingkod?


ilang beses na akong hinalikan ng karimlan
hinding hindi parin sapat ang pag-awit ng pabalang
hindi pa ako nakapagsimula
kung anu-ano na ang dula nila
magpapakalumbay o maghihintay
‘wag ka na tumawid, nakamamatay!


anong uri ka ba ng hayop kaharap ng patalim 'kong to?
hahagurin hanggang kumain ang pangil mong bumaon sa iyo
kakaiba ang iyong sigaw, paos na paos sa paghikbi
ginuguhit sa aking isip, oras na para magbigti


o- ako ba ang nadapa?! boses mo yata'y nangatal
ikut-ikutin mo pa ako sa kagaguhan ng mortal
tumigil ka ng kasasabi na ikaw ang mundo
dahil walang interesado sa kasinungalingan mo


pusang gala! ayoko na’ng maawa!
ilang taong paghihirap nauwi sa ganitong paniniwala?!
hahayaan ko nang basahanin ka ng aking lipunan
hanggang sa huling patak ng luha'y aking masisilayan!


humanap ka na ng bayaning kakagat sa bulaan mong mga tula
matagal na akong nawala! walang makatang malugod kang isasalba!


at 'di mo 'ko diwata, o diwata, o diwata, o diwata
wala ako sa langit 'di ako diwata, o diwata, o diwata, o diwata
‘di mo 'ko diwata


hindi ka na nakinig sa makulay na panganib ng katauhan mo?
hindi ka man lang ba nahiya, paraluman? di ka ba mahal ng magulang mo?
‘wag kang maghanap ng mga santo, sabi mo nga- ano ba ang kaya ko?
sinagot ko na’t patawarin mo, ako na talaga ang parusa mo, dahil-


ako na mismo ang tatapos ng galaw mong padalos-dalos
paraan ko'y di payapa o ang dugo mo na ang aagos
isang haplos sa ‘king kamay ‘di nga kita kayang masaktan
basta’t ‘wag na! - huwag na ako’ng pipiliin mong dasalan


dahil 'di mo 'ko diwata, o diwata
o diwata! o diwata! o diwata! o diwata! hindi mo ‘ko diwata

Composição: DasuColaboração e revisão: Evaristo WendelEvaristo Wendel

Cifra Club Academy

O ensino de música que cabe no seu tempo e no seu bolso!

Quero conhecer os cursos
Cifra Club Pro

Entre para o
Cifra Club PRO

Tenha acesso a benefícios exclusivos no App e no Site

  • Chega de anúncios

  • Mais recursos no app do afinador

  • Desconto em nossos produtos

  • Entre outras vantagens...